Bagong Buhay

...mula sa masalimuot na panaginip...

Orapronobis magpakaylanman!

Laro para sa akin ang kritisismo, sa kahit anong anyo nito tugon sa pangkalahatan: tao, pelikula, kultura, arte, literatura, eksibiyon o kung anu pa man. Sa apat na buwan ng aking paglalakbay sa mundong Pelikulang Pilipino, ngayon gabi ang hudyat mismo ng pagbabalik loob sa mundong pilit kong tinangihan, pilit kong kinalimutan, at muntikang ko nang ibaon sa takot at pagsusumamo. Hindi ko pa natatapos ang GE kong Sine Pinoy, pero ramdam ko na ang lungkot ng pagiging separatista sa mga nangungunang mga kritiko: Oggs, Chard, Dodo. Dahil ba ito sa kadahilan na "ang dugo ay mas malapot keysa sa tubig". O dahil, mula sa aking pagkakahimlay sa libingang aking hinukay ay namulat ako. Ang akda ng ni Jimmy: "Mas mahirap gisingin ang nagtutulug-tulugan keysa sa tulog." Mababaw lang itong kaganapan para sa iba, ngunit malalim para sa akin. Bigyan niyo sana ako ng pagkakataong... mag bagong buhay!

Paalam!
****